SAYAMA, Saitama — Isang day care center ng bata sa silangang lungsod ng Japan sa Saitama ang naglunsad ng isang drill kung saan tinuruan ang mga bata kung paano humingi ng saklolo kung sila ay naiwang mag-isa sa isang bus sa pamamagitan ng pagpapatunog ng busina, kasunod ng pagkamatay kamakailan ng isang batang babae na naiwan sa loob ng isang bus sa Shizuoka Prefecture.
Ang Musashino Junior College-affiliated child care center sa Sayama, Saitama Prefecture, ay isinama ang drill sa taunang traffic safety class nito upang turuan ang mga bata sa pamamagitan ng simulation at drill.
Sa humigit-kumulang 140 na bata sa pasilidad, 42 na bata mula sa mas batang mga klase at kanilang mga tagapag-alaga ang lumahok sa drill noong Setyembre 12. Inaasahang makumpleto ng lahat ng mga bata ang ehersisyo pagsapit ng Setyembre 16.
Nagbigay ng paliwanag ang mga opisyal mula sa Sayama Police Station sa mga bata na may modelong manibela at sinabi sa kanila na kailangan nilang pindutin kung nasaan ang simbolo ng trumpeta at patuloy na bumusina hanggang sa may dumating.
Pagkatapos nito, isa-isang pinatunog ng mga bata ang busina — ang ilan sa kanila na nahihirapang pumindot ng matagal ay sinabihan na upuan nalang ang manubela upang mapatunog ang busina ng matagal hanggang sa may dumating na saklolo.
Join the Conversation