Noong Enero ng taong ito, isang Filipino national ang inaresto dahil sa pakikipagtalik sa isang 16-anyos na batang babae kahit alam niya na menor de edad palang ito.
Inaresto si Takizawa Obrey Kane Plaza, 20 taong gulang, isang haken shain ng Osaka City at isang Filipino nationality.
Ayon sa pulisya, si Takizawa ay pinaghihinalaang nakipagkita sa isang 16-taong-gulang na batang babae na nakilala niya sa social media noong Enero ng taong ito at dinala sa kanyang tahanan sa Mihama, Aichi Prefecture kahit alam niya na wala pa ito sa tamang edad.
Bilang tugon sa imbestigasyon ng pulisya, inamin ni Takizawa ang mga akusasyon tulad ng “May ginawa akong kahalayan sa aking bahay kasama ang isang menor de edad na babae.” Iniimbestigahan ng pulisya ang karagdagang mga kaso.
Join the Conversation