Isang home for the aged sa Kita Kyushu nag hire ng mga Babies at toddlers para magbigay saya sa mga matatanda

Ang isang nursing home sa southern Japan ay "nag-hire" ng mga babies at toddlers para sa isang napakahalagang trabaho -- upang mapangiti at mapasaya ang mga matatandang residente nito. Ang suweldo?  Mga diapers at baby formula. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang isang nursing home sa southern Japan ay “nag-hire” ng mga babies at toddlers para sa isang napakahalagang trabaho — upang mapangiti at mapasaya ang mga matatandang residente nito. Ang suweldo?  Mga diapers at baby formula.

Ang mga bagong recruit sa pasilidad sa Kitakyushu ay  apat na taong gulang pababa, at ang kanilang mga guardians o parents ay kailangang pumirma ng isang kontrata na nagsasaad na ang mga bata ay maaaring pumasok sa trabaho “kahit kailan nila gusto.”

Pinapayagan silang magpahinga “kapag nakaramdam sila ng gutom, inaantok o depende sa kanilang mood”, sabi ng kontrata.

Mahigit sa 30 na mga bata ang naka-sign up sa ngayon, na nakatalaga sa pagpapasigla ng higit sa 100 na mga residente na karamihan ay nasa edad na 80, sabi ni Kimie Gondo, pinuno ng nursing home.

“The mere sight of babies makes our residents smile,” she told AFP, .

Ang isang ad ng trabaho na naka-pin sa dingding sa pasilidad ay nagsasabing “we are hiring!”  sa malalaking karakter at nagpapaalam sa mga magiging workers na babayaran sila para sa kanilang mga serbisyo ng diapers at powdered milk.

Ang pangunahing responsibilidad ng mga batang na hire  ay ang “maglakad-lakad” sa paligid ng nursing home habang sinamahan ng kanilang mga magulang at mag laro, sabi nito.

Nagbigay ng napaka gandang resulta sa mga matatanda dahil lubos silang nasiyahan na makitang may mga bata na nakikipag usap at nakikipag laro sa kanila. At enjoy din ang mga bata.

© 2022 AFP

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund