Isang baboy-ramo ang sumalakay sa isang bahay sa lungsod ng Matsuyama at nakatakas. Ito ay nahuli sa isang nursing home kung saan ito nakatakas pagkatapos makulong ng halos 20 oras [Ehime]

 "Medyo nakakatakot. May mga elementary at high school students kasi rito noong isang araw, kaya mas nakakatakot. Magaan na ang loob ko dahil nahuli ito."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang baboy-ramo ang sumalakay sa isang bahay sa lungsod ng Matsuyama at nakatakas. Ito ay nahuli sa isang nursing home kung saan ito nakatakas pagkatapos makulong ng halos 20 oras [Ehime]

Noong gabi ng ika-11, isang baboy-ramo ang lumitaw sa isang bahay sa Matsuyama City, inatake nito ang isang lalaking residente, at pagkatapos ay tumakas.

Matapos ang pag-hahanap, ang baboy-ramo ay nahuli sa isang lugar malapit na nursing home noong hapon ng ika-12 ng Septyembre.

Ang nahuli ay may haba na 1-metrong lalaking  baboy ramo.

Paminsan-minsan, kapag sinusubukang tumakas, binubunggo nito ang hawla at gumagawa ng malakas na ingay.

Bandang 5:10 ng hapon noong ika-11 ng Septyembre, lumitaw rin ang isang baboy-ramo sa isang bahay sa Kinuyama, Matsuyama City, at nakatakas matapos kagatin ang kaliwang paa ng isang lalaking nasa edad na 70 habnag nagdidilig sa hardin.

Dinala ang lalaki sa ospital kung saan ito ay kasalukuyang nananatili.

Pagkatapos ay tumakas ang baboy-ramo sa lugar malapit na nursing home, kung saan pinalibutan ito ng mga pulis ng Matsuyama City, na may mga dalang hunting club, at ng iba pang mga tao sa buong magdamag.

Noong hapon ng ika-12 ng Septyembre, ang baboy-ramo ay nagtatago sa ilalim ng tangke ng tubig sa hilagang-kanluran ng site.

Ang mga klub sa pangangaso ay itinayo na parang pader malapit sa tangke ng tubig upang maiwasang makatakas ang baboy-ramo, nag-hahagis ng lubid na may nakakabit na pala, para gumawa ng malakas na ingay upang maakit ang baboy-ramo sa hawla.

At bandang 1:20pm…

Ayon sa reporter na si Atsuhiro Tokumaru:

“Ngayon, nahuli na ang baboy-ramo. Pumasok na ang baboy-ramo sa kulungan.”

Dalawampung oras matapos salakayin ang mga naninirahan, nahuli na sa wakas ang baboy-ramo.

Reporter Atsuhiro Tokumaru:

“Ito ang baboy-ramo na nahuli natin kanina. Ito ay isang lalaki, na may haba nang isang metro at mukhang kumalma ito sa kanyang kulungan.”

Nang marinig na nahuli na iyung isang baboy-ramo na umatake sa mga residente, nag-sabi ang mga kapitbahay…

Kapit-bahay:

“Nahuli na ba? Buti naman. Kung tutuusin, medyo madaming bata ang pumasok sa paaralan kaya mabuti.”

“Medyo nakakatakot. May mga elementary at high school students kasi rito noong isang araw, kaya mas nakakatakot. Magaan na ang loob ko dahil nahuli ito.”

Ayon sa Matsuyama City, ang baboy-ramo ay pinatay.

Source and Image: EBC Live News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund