Ini-forecast na ang bagyong Hinnamnor ay muling patungong Okinawa ngayong Linggo

Ilang parte ng rehiyon ay maaarinh makaranas na malakas na pag-ulan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIni-forecast na ang bagyong Hinnamnor ay muling patungong Okinawa ngayong Linggo

Ang bagyong Hinnamnor ay inaasahang muling bumalik patungong southern prefecture ng Japan, sa Okinawa ngayong Linggo.

Ayon sa pahayag ng Japan Meteorological Agency na nuong alas-3:00 ng umaga nitong Biyernes, ang “napaka-lakas” na bagyo ay halos nasa taas na ng katubigan mahigit 390 kilometro sa Miyakojima Island, south ng Okinawa.

May dalang hangin na may lakas na 180 kilometro kada oras malapit sa sentro at gusts na aabot hanggang 252 kilometro kada oras.

Ang bagyo ay inaasahang manatili sa South ng Okinawa hanggang gabi ng Sabado bago tumungo pa-norte. Sinasabing ito ay lumapit sa Sakishima Islands sa Linggo ng umaga.

Ayon sa forecast ang bagyongHinnamnor ay maaring magdala ng malalakas na hangin na maaaring maka-sira ng mga bahay sa isla.

Ayon sa mga opisyal ng ahensya, dapat mag-handa ang mga tao sa malalakas na hangin at maalong karagatan.

Kalaunan ay maaaring umusong ang bagyo pa-norte patungong East China Sea at mapunta sa rehiyon ng Kyushu at ibang parte ng western Japan sa susunod na linggo.

Samantalang, ang rain front at mamasa-masang hangin ay na-destabize ang atmospheric conditions sa western at eastern Japan. Ilang parte ng rehiyon ay maaarinh makaranas na malakas na pag-ulan.

Nananawagan ang mga weather officials sa mga tao na maging vigilant sa mudslides, pag-babaha, pag-taas ng tubig sa mga ilog pati na rin kulog at pag-kidlat.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund