Napag-alaman ng NHK mula sa nag-iimbestiga sa 3 taong gulang na batang babae na pumanaw sa heatstroke na naniniwala silang ang bata ay namatay matapos na tatlong oras na maiwan sa loob ng school bus sa Shizuoka Prefecture, central Japan.
Si Kawamoto China ay naiwan sa loob ng bus sa Kawasaki Kindergarten sa lungsod ng Makinohara bandang alas-9:00 ng umaga nuong Lunes. At natagpuan mahigit limang oras ang nakalipas. Sinabi ng mga sources sa NHK na naniniwala ang mga imbestigador na namatay ang bata bago mag-hapon.
Ang pinuno ng nursery school na si Masuda Tatsuyoshi ang nag-maneho ng bus nuong araw na iyun. Nag-bigay siya ng kanyang paumanhin sa isang news conference nuong Miyerkules.
Ayon sa mga imbestigador, ang batang babae ay naka-upo sa ika-limang hanay ng upuan mula sa unahan, at nang siya ay natagpuan siya ay naka-handusay sa sahig ng ikatlong hanay na upuan. Ang kanyang mga damit ay natagpuan sa may harapan ng pituan sa unahan ng sasakyan.
Maaaring ang bata ay gumalaw galaw paikot-ikot sa loob ng bus habang tumataas ang temperatura, ay siya ding pag lala ng kanyang kondisyon, ani ng mga pulis.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation