Bagyong Nanmadol, nag-sanhi ng maraming pinsala sa buong bansa

Pinapayuhan ng mga operators ang mga byahero na i-check ang latest information bago bumyahe

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBagyong Nanmadol, nag-sanhi ng maraming pinsala sa buong bansa

Severe tropical storm Nanmadol ay paalis na sa trail of destruction sa southwestern Japan, isa ang namatay at nag iwan ng mahigit 69 kataong napinsala.

Nag-isyu na ng evacuation order ang lokal na pamahalaan para sa milyong katao sa rehiyon ng Kyushu, Chugoku at Shikoku.

Ang severe tropical storm ay nag-iwan ng mahigit 250,000 kabahayan na walang kuryente.

Nagkaroon din ng malaking disruption sa mga transportasyon. Ang Japan Airlines at All Nippon Airways ay nag-kansela ng kanilang mahigit 800 flights para sa araw ng Lunes. Ang ibang mga airlines ay hindi rin nagpapalipad ng kanilang mga eroplano.

Suspindido rin ang mga serbisyo ng  Shinkansen bullet train sa maraming lugar.

Ang Kyushu Shinkansen ay itinigil ang lahat ng kanilang serbisyo, at ang Sanyo Shinkansen ay sinuspinde ang kanilang serbisyo sa pagitan ng Hakata at Hiroshima.

Ang mga tren sa pagitan ng Hiroshima at Shin-Osaka ay gumana pa rin ngunit binawasan ang schedules sa umaga ngunit nag-suspinde rin ng serbisyo pag- sapit nang alas-2:00 ng hapon.

Ang mga bullet train na konektado sa Shin-Osaka at Tokyo ay tumatakbo ngunit sa binawasan schedules.

Pinapayuhan ng mga operators ang mga byahero na i-check ang latest information bago bumyahe.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund