Ayon sa mga weather officials ng Japan, isang napaka-lakas na bagyo ang pa-pasok sa Okinawa. Binabalaan nila ang lahat na ang bagyong Muifa ay maaaring mag-dala ng malalakas na hangin at maaalong karagatan sa ilang mga lugar.
Ayon sa pahayag ng Meteorological Agency ang bagyong Muifa ay umaandar patungong northwest sa katubigan sa south ng Ishigaki Island sa Okinawa nuong Linggo ng hapon, Japan time.
Inaasahan ng ahensiya na si Muifa ay mag-maintain ng kanyang lakas habang patungong north. Ayon sa awtoridad ang bagyo ay papasok sa Sakashima Island mula sa Lunes hanggang Martes.
Sinabi nila na ang mababagsik na hangin ay maaaaring maranasan sa lugar ngayong gabi ng araw ng Linggo. Nag-isyu ng babala ang mga opisyales nang malalakas na hangin sa Ishigaki area.
Nag-bibigay din ng babala ng malakas na pag-ulan sa Sakashima Islands hanggang Wednesday.
Sinasabi nila na ang bagyo dahan-dahang umuusong. Ibig sabihin ang magaspang na kondition ng panahon ay mag-tatagal.
Ayon din sa mga opisyales, ang mga alon ay maaaring umabot ng 10 meters palibot sa Yaeyama at Miyakojima regions.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation