Bagyong Hinnamnor patungo na pa-norte, masamang lagay ng panahon magpapa-tuloy

Pinapayuhan ng mga opisyal ang mga tao sa landslides, mataas na ilog, pag-kidlat at malalakas na hangin, kabilang ang ipo-ipo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBagyong Hinnamnor patungo na pa-norte, masamang lagay ng panahon magpapa-tuloy

Patuloy pa rin ang unstable atmospheric conditions sa maraming lugar, lalo na sa western at eastern Japan, at unti-unting nag-kakaroon ng heavy rain clouds habang papalapit na ang bagyong Hinnamnor na patungong norte.

Ayon sa Meteorological Agency ng Japan, ang warm damp air na naka-paligid sa bagyo at ang Pacific high pressure system na dumadaloy patungong Sea of Japan ay papunta sa Tohoku region sa northeast.

Sabi ng ahensya, ang mga tao ay dapat manatiling alerto sa torrential rain na may kasamang kulog at kidlat, kahit sa mga lugar na malayo sa bagyo, dahil maaaring biglaang mag-iba ang panahon.

Pinapayuhan ng mga opisyal ang mga tao sa landslides, mataas na ilog, pag-kidlat at malalakas na hangin, kabilang ang ipo-ipo. Sa loob ng 24 oras hanggang Lunes ng umaga,mahigit 200 millimeters ng ulan ang inaasahang bumagsak sa southern Kyushu, 150 millimeters sa Shikoku at Amami region, 120 millimeters sa northern Kyushu at 100 millimeters sa Tokai region.

Malalakas na pag-ulan ang inaasahan bumuhos hanggang umaga ng Miyerkukes sa mga nabanggit na lugar.

Ang bagyo ay inaasahang lumapit sa Kyushu at iba pang parte ng western Japan habang ito ay papuntang norte, na siyang mag-dadala ng maulang panahon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund