Ayon sa National Health Center for Global Health and Medicine ng Japan ay tumataas ang porsyento ng mga taong namamatay matapos magkaroon ng moderate symptoms ng COVID-19. Ipinahayag din nila na karamihan sa mga ito ay may mga karamdaman na lumala matapos nilang mahawa ng sakit.
I-naalyzed ng center ang datis ng 2,861 COVID-19 patients na namatay matapos ma-admit sa ospital sa buong bansa hanggang buwan ng Agosto.
Ayon rito, 42 porsyento ng mga pumanaw sa ika-5 wave nuong summer nang nakaraang taon ay na-develop ng malalang sintomas. Subalit, ang pigura ay bumaba nang 13 porsyento sa ika-6 na wave na nag-simula nuong unang yugto ngayong taon.
Mahigit 5 porsyento ng mga namatay sa ika-7wave ngayong tag-init ang mayroong malalang sintomas.
Sa kabilang banda, 57 porsyento ng mga namatay sav5th wave ay mayroong moderate symptoms. Tumaas ang pigura sa 83 percent sa 6th wave at 89 percent sa 7th wave.
Ayon sa center, maliit na porsyento ng COVID-19 patients ang na-develop ng malalang pneumonia sa Japan dahil sa pag-taas na rin ng mga bakuna, habang marami pa rin ang namatay dahil pinalala ng coronavirus ang kanilang mga pre-existing conditions.
Si Ohmagari Norio, ang Director ng Disease Control and Prevention Center ang naka-talaga sa analysis.
sinabi nito na ipinapakita sa pag-aaral na ang mga matatanda na may chronic diseases ay tumatamlay at namamatay matapos mag-simulang maapektohan ng virus ang kanilang organs, kahit na moderate symptoms lamang ang tumama sa kanila.
Kahit na sinabi nito na ang coronavirus sa kasalukuyan ay hindi na mapanganib sa buhay ng tao, hindi mamamatay ang karamihan sa mga pasyente kung hindi sila nahawaan nito.
Pinapayo ni Ohmagari na dapat patuloy na sundin ng mga tao ang hakbang upang maiwasan ang impeksyon at magpa-bakuna upang maiwasan ang pag-develop sa malubhang sintomas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation