Autumn Festival sa Japan, muling nag-balik makalipas ang 3 taon

Ang ritwal, ay pinag-samang Buddhism at Shintoism na sinasabing 1,000 taon nang isinasa-gawa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAutumn Festival sa Japan, muling nag-balik makalipas ang 3 taon

Ang ilang traditional autumn events na nakansela sanhi ng coronavirus pandemic ay muling nag-hakot ng mga tao sa unang pagkakataon makalipas ang tatlong taon.

Ang makukulay na floats ay muling nag-balik sa Takasaki City, sa Gunma Prefecture, north ng Tokyo. Nanawagan ang mga event organizers sa mga taong dumalo na sundin ang mga hakbang laban sa impeksyon.

Sa Central prefecture ng Nagano, ang mga batang naka-damit nang sumo wrestlers ay nag-perform ng isang ring-entering ceremony.

Isang “crying sumo” contest para sa mga sanggol ang isina-gawa sa isang shrine sa Tottori.  Ang mga wrestlers ay bubuhatin ang mga bata sa taas ng kanilang mga ulo upang ipagdasal ang kanilang kalusugan. Isa sa mga dumalo ay nag-sabi na sana ang kanyang anak ay lumaking malusog at mabuting bata.

Sa karatig prepektura na Hiroshima naman ay naibsan ang kanilang stress matapos ang isang paligsahan sa pag-sigaw. Isang baseball fan na nag-cheer sa local team ang nanalo sa pag-sigaw ng mahigit 83 decibels, na maihahalintulad sa lakas ng ambulance siren.

At sa Kyoto, ang mga Buddhist priests mula sa Enryakuji Temple sa Mount Hiei ay nag-usad ng sutra upang ipanalangin ang isang seremonya na isina-gawa sa Kitano Tenmangu Shrine.

Ang ritwal, ay pinag-samang Buddhism at Shintoism na sinasabing 1,000 taon nang isinasa-gawa.

Ang seremonyang tinawag na “Kitano Goryoe” ay ni-revive nuong 2020 matapos ng mahabang pananahimik na mahigit 550 taon na mula pa nuong Onin War nuong ika-15 siglo na siyang nag-hantong sa pagka-sira ng Kyoto. Ang mga Shinto at Buddhist priests ay magka-samang nanalangin upang matapos na ang dinaranas na pandemiya at para sa Kapayapaan sa mundo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund