Nagkaroon ng aksidente na kinasasangkutan ng hindi bababa sa anim na malalaking trak sa Shin-Meishin Expressway sa Komono Town, Mie Prefecture. Ilang tao ang ssinasabing nag-tamo ng minor injuries.
Pagkalipas ng 3:30 ng umaga noong ika-13, maraming mga ulat tulad ng “Trak bumangga sa isang sirang sasakyan” malapit sa Komono Interchange sa Shin-Meishin Expressway.
Ayon sa pulisya, isang malaking trak na umaandar ang bumangga sa isang malaking trak na nasira at naka-hinto. Sinasabing apat o higit pang maliliit na truck ang bumangga sa hilera ng mga sasakyan na napa-hinto sa likuran nito.
Wala pa masyadong mga detalye, ngunit may mga taong nag-tamo ng menor na pinsala. Walang namang malubhang napinsala.
Dahil sa aksidenteng ito, ang palabas na linya ng Shin-Meishin Expressway, mula sa Shin-Yokkaichi Junction hanggang sa Komono Interchange, ay sarado sa trapiko.
Source and Image: CBC News
Join the Conversation