9.5 milyong katao sa western Japan, sinabihan na lumikas

Ang alert level 5, pinaka-mataas na disaster warning scale sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp9.5 milyong katao sa western Japan, sinabihan na lumikas

Mahigit 9 na milyong katao sa western Japan ang inutusang lumikas sanhi ng Bagyong Nanmadol.

Ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay binigyan ang NHK at iba pang media outlets ng mga detalye sa kautusan na in-isyu ng alas-8:00 ng umaga nuong Lunes.

Ang alert level 5, pinaka-mataas na disaster warning scale sa Japan ang ini-isyu para sa 530,000 katao nang mahigit 250,000 kabahayan sa Kagoshima, Miyazaki, Oita, Kumamoto at Yamaguchi Prefecture.

Kabilang sa alert ang mahigit 205,000 katao na naninirahan sa apat na lungsod sa Kagoshima Prefecture; mahigit 183,000 katao sa apat na lungsod; 10 bayan at 2 baranggay sa Miyazaki Prefecture; at aabot ng 123,000 katao sa tatlong lungsod sa Oita Prefecture. Kabilang rito ang isang village sa Kumamoto Prefecture at isang lungsod sa Yamaguchi Prefecture.

Umabot sa 9 na milyong katao ang naging total ng mahigit sa 4.2 milyong kabahayan na apektado ng level 4 alert kung saan inutusan nang lumikas  ang ilang parte sa  rehiyon ng Kyushu, Shikoku at Chugoku.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund