4 na Oso, namataan sa Lungsod ng Sendai, isa nahuli at napatay

Nuong ika-29 ng Agosto, inatake ng isang oso ang 9 na taong gulang na batang lalaki at ang kanyang lolo na nag-resulta sa pag-tatamo nito ng pinsala. Ang insidente ay nangyari sa parehong lugar kung saan natagpuan ang tatlong oso nuong Martes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp4 na Oso, namataan sa Lungsod ng Sendai, isa nahuli at napatay

Apat na oso ang namataan sa isang residential area sa Senday City, Miyagi Prefecture, ss northeastern Japan nuong gabi ng Martes. Isa sa mga oso ang nahuli. Naka-alerto ang mga opisyal ng lungsod dahil ang oso ay paulit-ulit na bumabalik sa lugar.

Isang oso ang namataan sa gilid ng kalsada sa may puno malapit sa Rikuzen-ochiai train station sa Aoba ward ng lungsod bandang ala-6:30 ng gabi nuong martes. Ang oso ay may mahigit 1.2 kahaba ay nahuli at kalauna’y ini-euthanize. Ang hayop ay babae na pinaniniwalaang nasa 3 taong gulang.

Sa ganung oras din ay namataan ang tatlong iba pang oso sa kalsada ng nasabing ward, mahigit apat na kilometro mula sa station. Ang mga oso ay nasa 80 sentimetro ang haba.

Wala naman na iulat na napinsala ng mga ito, ngunit nag-patrolya ang mga pulis sa mga school routes at iba pang area nuong Miyerkules ng umaga.

Nuong ika-29 ng Agosto, inatake ng isang oso ang 9 na taong gulang na batang lalaki at ang kanyang lolo na nag-resulta sa pag-tatamo nito ng pinsala. Ang insidente ay nangyari sa parehong lugar kung saan natagpuan ang tatlong oso nuong Martes.

Isang ginang na nasa kanyang 30s ay nagpahayag ng pag-alala ay nag-sabi na ang kanyang anak ay nasa unang baitang sa elementarya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund