Umabot nang 14% ng mga lalaking mang-gagawa sa Japan ang kumuha ng childcare leave nuong taong 2021

Isinaad nila na mula ngayong Abril, ang mga kumpanya ay required o kinakailangang sabihan ang kanilang mga mang-gagawa tungkol sa kanilang parental leave system at ipaliwanag ang cash handouts o ibibigay na pera mula sa pamahalaan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspUmabot nang 14% ng mga lalaking mang-gagawa sa Japan ang kumuha ng  childcare leave nuong taong 2021

Isang government survey ang nagpa-kita nang proporsyon ng mga lalaking mang-gagawa sa Japan na kumuha ng childcare leave ay nagkaroon ng mataas na tala nitong nakaraang taon. Ngunit wala pang kasiguraduham kung ang target ng pamahalaan ay makukuha hanggang taong 2025.

Ang Health, Labor and Welfare Ministry ay nagsa-gawa ng survey sa 6,300 na negosyo sa buong bansa nuong nakaraang buwan ng Oktubre at 3,683 ang tumugon rito.

Ang resulta ay nagpapa-kitq nq 13.97 porsyento ng mga eligible male workers ang kumuha ng parental leave nuong nakaraang taon na natapos nitong buwan ng Marso.

Ang ration ay tumaas ng 1.32 percentage points kumpara nuong nakaraang taon. Ngunit kaunti lamang ang itinaas kumpara sa 5.17 points nuong nakalipas na taon. Nais ng pamahalaan na umabot ito ng 39 percent pag-sapit ng taong 2025.

Ipinakita rin ng survey na ang mga leave ay mas humahaba na. Ang bilang ng mga kumuha ng leave nang less than two weeks ay bumaba na sa loob ng tatlong taon mula pa nuong 2018, habang ang bilang ng kumuha ng leave ng two weeks hanggang one month pati na rin three months ay tumaas.

Ayon sa opisyales ng Ministry of Labor, gumagawa sila ng isang environment na sumusuporta sa mga taong gusto o nais kumuha ng childcare leave.

Isinaad nila na mula ngayong Abril, ang mga kumpanya ay required o kinakailangang sabihan ang kanilang mga mang-gagawa tungkol sa kanilang parental leave system at ipaliwanag ang cash handouts o ibibigay na pera mula sa pamahalaan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund