Nagbabala ang mga opisyal ng panahon ng Japan na ang Bagyong Hinnamnor ay maaaring magdala ng napakalakas na hangin sa mga isla sa timog-kanluran ng Japan sa Miyerkules.
Sinabi ng Meteorological Agency na simula alas-3 ng umaga noong Martes, ang napakalakas na bagyo ay matatagpuan sa timog ng kapuluan ng Hapon at kumikilos pakanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras.
Sinabi ng ahensya na ang bagyo ay may central atmospheric pressure na 955 hectopascals.
Ang bagyo ay may lakas na hangin na 162 kilometro bawat oras malapit sa gitna nito at pagbugsong 216 kilometro bawat oras. Ang hangin na hindi bababa sa 90 kilometro bawat oras ay umiihip sa loob ng 110 kilometrong radius mula sa gitna nito.
Inaasahang lalapit ang bagyo sa Okinawa at sa rehiyon ng Amami sa Kagoshima Prefecture sa Miyerkules habang pinapanatili ang lakas nito.
Ang mga bahay sa mga isla ng Daitojima ng Okinawa ay maaaring gumuho ng mabangis na hangin.
Malamang na magdadala rin ang bagyo ng hangin sa rehiyon ng Okinawa na aabot sa 162 kilometro bawat oras, at pagbugsong aabot sa 234 kilometro bawat oras. Inaasahan ang labis na maalon na dagat na may mga alon na umaabot sa 9 na metro sa rehiyon ng Okinawa at 6 na metro sa rehiyon ng Amami.
Inaasahang magdadala din ito ng malakas na ulan pangunahin sa mga isla ng Daitojima. Sa 24 na oras hanggang Huwebes ng umaga, maaaring bumagsak ang hanggang 300 milimetro ng ulan.
Nagbabala ang mga opisyal sa malakas na hangin at mataas na alon.
Join the Conversation