Share
Kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Government ang 15,834 na bagong kaso ng coronavirus nitong Linggo, bumaba ng 8,946 mula nuong nakaraang linggo.
Ang arawang talaan ay nag-marka ng ika-7 diretsong araw na lingguhang pag-baba ng bilang.
Ang pitong-araw na average ng bagong kaso ay nasa 19,544, bumaba ng 24.5 percent mula nuong nakaraang linggo.
Ayon sa Tokyo officials, mayroong 40 pasyente na naka-ventilators o ECMO heart-lung machines, tumaas ng 2 mula nuong Sabado.
Sinabi rin ng mga ito na 23 katao ang namatay dahil sa virus.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation