Isang teenager na babae ang inaresto sa kasong pananaksak at serious injury matapos saksakin ang 2 katao sa Tokyo. Ani ng suspek sa mga pulis, napag-desisyonan niya na siya ay papatay sa araw nang isinagawa niya ang krimen.
Ayon sa pahayag ng mga pulis, ang 15 anyos na Junior high school student na naninirahan sa Saitama Prefectural ay sinaksak ang 53 anyos na ginang at ang 19 anyos na anak nitong babae sa Shibuya Ward sa Tokyo nuong Sabado. Ang bata ay naaresto sa lugar ng krimen sa kasong attempted murder.
Ayon sa mga source mula sa pulis, sinabi raw ng bata sa mga imbestigador na nais niya ang death penalty, kaya gumamit siya ng patalim upang saksakin ang mag-ina na nakita lang niya sa kalsada.
Sinabi rin ng suspek sa mga imbestigador na umalis siya ng bahay matapos sabihin sa kanyang ina na siya ay magpupunta sa cram school.
Ayon sa sipi ng mga pulis sa suspek, ito ay sumakay ng tren mula kanyang hometown hanggang Shinjuku Station at napag-desisyonan na papatay sa araw sa iyon.
Kinumpiska ng mga pulis ang 3 patalim sa crime scene, kabilang na ang isang ginamit sa pananaksak. Ayon sa babae, dala niya ang mga patalim galing sa kanilang tahanan, ngunit suspetsa ng mga pulis na ito ay binili niya sa ibang lugar dahil hindi naman nila ito ginamit sa bahay.
Suspetsa nang mga pulis na ang babae ay pinag-handaan angbpag-atake at nag-desisyon nuong araw na iyon na isagawa ang krimen. Patuloy pa rin na iniimbestigahan ang motibo nang babae sa ginawang krimen.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation