Nag-bigay pahayag ang New York City at ang State Health authorities nitong Biyernes na nag-sasabi na ang pagka-diskubre ay nagsusuhestiyon na ang virus ay umiikot locally.
Karamihan sa nahahawaan ng polio ay sanggol at bata, ito ay maaaring mag-sanhi ng permanent paralysis sa braso at binti. Dahil sa ang sakit na ito ay kalimitang asymptomatic, suspetsa ng mga opisyal na ito ay inilabas o idinumi ng mga tao na hindi nila alam na sila ay infected.
Ang imbestigasyon ay nag-simula matapos mag-ulat ng isang polio case sa New York state nitong nakaraang buwan. Ang sakit na ito ay hindi pa na kukumpirma ng Estados Unidos mula pa nuong 2013.
Ang Polio infection ay ma-iiwasan sa pamamagitan ng pag-babakuna. Ngunit sa ilang parte sa New York state, ang inoculation rate ng mga 2 taong gulang na bata ay nasa bandang 60 porsyento. Hinihikayat ng mga health officials ang mga taong hindi pa nababakunahan na magpa-bakuna na.
Ipinapakita sa datos mula sa World Health Organization at iba pa na ang polio ay nalipol na simula pa nuong ipinakilala ang bakuna laban dito. Ngunit kamakailan ay na-detect ang virus sa isang kanal sa British capital, London.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation