Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nangakong patitibayin ang kaugnayan sa Estados Unidos

Ayon sa mga tagamasid, ang pagbibigay diin ni Marcos sa pagpapa-buti ng kaugnayan sa Estados Unidos ay nagre-represent ng shift o pag-babago mula sa polisiya ng kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPangulong Ferdinand Marcos Jr. nangakong patitibayin ang kaugnayan sa Estados Unidos

Ipinahayag ni Philippine President Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapa-tibay ng kaugnayan sa Estados Unidos sa kanyang kauna-unahang pakikipag-pulong kay US Secretary of State Antony Blinken.

Ang dalawa ay nagkaroon ng pag-uusap sa Manila nuong Sabado.

Nuong simula ng pag-uusap, ipinahayag ni Blinken ang bilateral relationship ay ” napaka-extraordinary” at nag-sabi na “ang pagpapa-tibay na ito ay nag-mula sa pakikipag-aliyansa.” Idinagdag pa nito na naniniwala siya na ang kanilang aliyansa ay magiging mas matibay.

Sinabi rin nito na ang US ay committed sa pakikipag-tulungan sa Pilipinas sa shared challenges.

Sinabi ni Marcos na ang international diplomatic scene ay pabago-bago, tinutukoy ang sitwasyon ng Ukraine at ang tensyon sa Taiwan.

Sinabi niya na umaasa siya na ang kanyang pinamumunuang bansa at ang Estados Unidos ay patuloy na mag-evolve ang relasyon “sa harap ng mga pag-sugbok na kanilang hinaharap.”

Ayon sa mga tagamasid, ang pagbibigay diin ni Marcos sa pagpapa-buti ng kaugnayan sa Estados Unidos ay nagre-represent ng shift o pag-babago mula sa polisiya ng kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte. Ang dating pangulo ay minsan nang kinukunsidera na tapusin ang troop deployment agreement sa Estados Unidos.

Ipinahayag ng Philippine Foreign Ministry nuong Sabado na ang dalawang bansa ay magsasa-gawa ng “two-plus-two” na meeting ng Foreign at Defense Ministry sa unang yugto ng susunod na taon.

Sinabi rin ng ministeryo na ang mga opisyales ay inaasikaso ang pag-pupulong o pag-kikita nila President Marcos at US President Joe Biden sa darating na UN General Assembly sa darating na buwan ng Septyembre.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund