Maraming lugar sa northeastern hanggang western Japan ang inaasahang makaranas ng isa pang araw na napaka-tinding init ng panahon, ngayong Lunes na mayroong temperatura na aabot o lalagpas ng 38 degrees Celsius.
Ayon sa Meteorological Agency ang daytime temperatures ay mukhang aabot ng 38 degrees sa mga lungsod sa western Japan kabilang ang Tottori, Matsue, Toyooka, Kyoto at Fukui.
Ang mercury ay inaasahang umabot sa 37 degrees sa mga lungsod ng Hita at Otsu, pati na rin sa Kumagaya at Maebashi.
Ang temperatura sa daytime ay naitala ng 36 degrees sa Fukuoka, Matsuyama at Nagoya, at 35 degrees naman sa Central Tokyo, Osaka at Hiroshima.
Nag-baba ng heatstroke alert sa mga prepektura mula eastern hanggang western Japan, kabilang ang Okinawa.
Ang mga tao ay pinapayuhan na iwasan ang mga hindi kailangang pag-labas sa umaga at hapon. Hinihikayat rin sila na gumamit ng aircon kung kinakailangan at alisin ang mask kapag nasa labas, kung saan ang risk ng coronavirus infection ay mababa.
Ang damp air mula sa tropical storm, kung saan ito ay umuusong patungong pahilaga sa East China Sea, at ang high-pressure system sa Pacific, ang nag-dudulot ng unstable atmospheric conditions sa maraming lugar.
Sa ilang parte na Kanto-Koshin region ay maaaaring makaranas ng torrential rain ng mahigit 50 mill kada oras na may kasamang pag-kulog.
Nananawagan ang Meteorological Agency sa mga tao na maging alerto sa landslides, pag-babaha sa mga mababang lugar at biglaang pag-taas ng tubig sa mga ilog, pati na rin ang pag-kidlat, malakas na hangin at ipo-ipo.
Ang mga residente sa southern Kyushu at Amami region ay pinapayuhang mag-ingat sa malalakas na hangin at malalakas na alon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation