Nasa 8,000 dayuhan lamang ang bumisita sa Japan ngayong mga buwan ng Hunyo at Hulyo

Ang bansa ay dating tumatanggap ng mahigit 39 milyong foreign visitors kada taon bago pa magkaroon ng epidemya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNasa 8,000 dayuhan lamang ang bumisita sa Japan ngayong mga buwan ng Hunyo at Hulyo

Ayon sa pahayag ng Immigration Services Agency ng Japan, nasa 8,000 dayuhang turista ang pumunta sa Japan nitong mga buwan ng Hunyo at Hulyo.

Pinagaan ng bansa ang kanilang anti-coronavirus border control at muling binuksan para sa mga turista nagbabakasyon nuong June 10 sa loob ng dalawang taon.

Ang bilang ng mga dayuhang turista na dumating ay nasa 20,000 kada araw.

Ang mga turista mula sa 102 na bansa at mga teritoryo kabilang ang Estados Unidos, South Korea at Tsina ay maaaring pumasok sa bansa, ngunit by group tours lamang.

Ayon sa ahensya, 252 na dayuhang turista ang pumasok sa bansa nuong buwan ng Hunyo at 7,900 naman nuong buwan ng July.

Ang Japan Tourism Agency ay nag-sabi na mahigit 8,500 na dayuhang turista ang nag-apply na makarating sa bansa nuong nakaraang Biyernes at ika-31 ng Agosto.

Ayon sa mga opisyal, ang isang posibleng rason para sa mababang bilang ng mga turistang mag-babakasyon ay dahil ang China ay ipinag-babawal pa rin ang pag-byahe patungong ibang bansa sa kanilang mamamayan.

Sinabi rin nila na isa sa mga maaaring dahilan ay ang pagkunsumo ng oras upang asikasuhin ang mga kailangan dalhin patungong Japan, kailangan nilang maka-kuha ng visa at magpa-kita ng negative PCR test result.

Taliwas naman ang kagustuhan ng mga European at US travelers, mas nais nilang bumyahe ng solo kaysa sumali sa group tours.

Bagaman ang bansa ay na kalagitnaan ng ika-pitong wave ng impeksyon, inaasahan ng tourism industry na mas ma-enganyo ang mga dayuhang turista na bumisita sa Japan dahil sa pag-baba ng yen.

Ang bansa ay dating tumatanggap ng mahigit 39 milyong foreign visitors kada taon bago pa magkaroon ng epidemya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund