Ipinapa-alalahanan ng mga Japanese weather officials ang mga tao na gumawa ng hakbang laban sa heatstroke, dahil isang napaka-init na panahon ang aasahan sa maraming parte ng bansa sa mga darating na araw.
Ayon sa mga opisyales, ang temperatura ay tataas sa Lunes, lalo na sa eastern ay western Japan.
Aabot ng 36 degrees Celsius ang daytime sa Kyoto City, Toyama City at Kumagaya City sa Prepektura ng Saitama.
Ang mercury ay tataas hanggang 35 sa mga lungsod ng Osaka, Fukuoka, Fukui, Kanazawa at Niigata. Habang sa central Tokyo, ang daytime high ay naka-forecast na aabot sa 34 degrees.
Ayon pa sa mga awtoridad, ang mga temperatura ay maaari pang mas tumaas kumpara sa seasonal average hanggang Biyernes mula northern hanggang western Japan pati na rin sa Okinawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation