Ang mga kabataan sa southern Japanese prefecture, Okinawa ay nag-perdorm ng tradisyonal “eisa” dance sa isang pagdiriwang sa Uruma City na ilang beses nakansela sa loob ng 2 taon sanhi ng pandemiyang dulot ng coronavirus.
Limang grupo ang nag-participate sa event nitong weekend.
Nagsa-gawa ng anti-infection measures ang mga organization tulad nang pag-check ng temperature, sa pamamagitan ng pag-gamit ng disinfectant at pag-babawal sa pag-benta ng alcohol sa venue.
Ang mga mananayaw ay nag-suot ng makukulay na damit at may mga dalang tambol upang mag-perform ng “eisa”.
Isang lalaki na tatlong taon nang nag-aantay na maka-sali sa nasabing pag-diriwang, ay nag-sabing siya ay maligaya at sa wakas ay nakapag perform na siya sa harap ng maraming tao.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation