Nananawagan ang mga weather officials na maging alerto matapos ma-mataang ang namuong tropical storm “Traces” sa ibabaw ng karagatan sa hilagang bahagi ng main island ng Okinawa, southwestern Japan.
Ayon sa Meteorological Agency, isang tropical depression ang na-develop bilang isang tropical storm sa ibabaw ng tubig ng karagatan 40 kilometro pa-hilaga ng lungsod ng Naha nuong hapon ng Linggo.
Nag-bigay naman ng babala ang mga opisyales ng ahensiya sa malakas na pag-buhos ng ulan, malakas na hangin at matataas na alon, habang papalapit na ang bagyong Trace sa isla ng Okinawa.
Ayon sa kanipangbpahayag, ang bagyo ay may central atmospheric pressure na 998 hectopascals, na may maximum na lakas ng hangin na aabot ng mahigit 65 kilometro kada oras hanggang 90 kilometro kada oras.
Ito ay umuusad patungong norte sa bilis nang 30 kilometro kada oras.
Tuloy-tuloy na pag-buhos ng malakas na ilan at malakas na hangin ay inaasahan, lalo na sa main island region ng okinawa at ang Amami region sa Kagoshima Prefecture. Inaasahan na ang mga karagatan ay magiging malupit.
Nananawagan ang mga weather officials na maging alerto sa landslides, pag-babaha sa mga mababang lugar at biglaang pag- taas ng tubig sa mga ilog, malakas na hangin at mataas na alon.
Ang bagyo ay inaasahan na magpa-tuloy patungong hilaga sa taas ng tubig nang west ng Kyushu, at naging tropical depression nitong Lunes.
Ayon sa opisyales ng ahensiya, nananawagan sila sa taong bayan na patuloy makinig sa pinaka bagong weather updates.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation