Ang mga mag-aaral sa Pilipinas ay balik-eskwela na para sa in-person classes, sa unang pagkaka-taon sa loob ng dalawa at kalahating taon sanhi ng coronavirus restrictions.
Itinaas na nag pamahalaan ang restriction sa face-to-face classes para sa elementary, junior high school at senior high school ngayong lunes, sabay sa pag bubukas at pag-sisimula ng bagong termino ng paaralan.
Sa isang pampublikong paaralang elementarya na may 8,000 mag-aaral sa Manila, ang mga bata ay nakitang dumating kasama ang kanilang mga magulang. Bago mag-simulang pumasok sa paaralan ang mga estudyante ay nag-aaral sa pamamagitan ng online lessons.
Paunti-unting aralin lamang ang itinuturo sa mga paaralan kada klase upang mabawasan ang risk ng impeksyon. Ang mga batang mag-aaral na naka-takda sa umaga, ay dumarating sa paaralan bandang alas-5:30 ng umaga.
Tinitignan ang kanilang temperatura, nag-aalkohol sa kamay sa pasukan ng paaralan bago mag-tungo sa kani-kanilang silid-aralan.
Isang bata na nasa ika-anim na baitang ang nakaramdam ng excitement at kaba na makita ang kanyang mga guro at kamag-aral matapos ang mahigit 2 taon at kalahati na pamamalagi sa bahay.
Isang nanay ng anim na bata ang nag-sabi na hindi sila masyadong makapag-concentrate nuong sila ay nag-oonline lessons. Nagpahayag rin ito nang pag-aalala na maaaring ang kanyang mga anak ay nahuhuli na sa kanilang edukasyon.
Sa Pilipinas, halos karamihan sa restriksyon ng coronavirus sa pag-kilos ng mga tao at economic activities ay inalis na nuong Marso dahil na rin sa pag-baba ng tala ng mga bagong impeksyon. Ngunit gayunpaman, ang mga bata ay nanatiling nag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ayon sa United Nations Children’s Fund o UNICEF, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang isinara ang mga paaralan ng matagal na panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation