Matinding init ang mararanasan ng western Japan ngayong Huwebes

Hinihikayat ng mga opisyal ang mga tao na gumawa ng hakbang laban sa heatstroke, tulad nang laging manatiling hydrated at tamang pag-gamit ng air conditioner kapag nasa loob ng tahanan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMatinding init ang mararanasan ng western Japan ngayong Huwebes

Matinding init ang naranasan sa western hanggang eastern Japan nitong araw ng Miyerkukes, umabot ng 39 degrees Celsius ang mercury sa ilang prepektura malapit sa Tokyo. Hinihikayat ng mga weather officials ang mga tao na patuloy na mag-ingat upang maiwasan ang heatstroke.

Ayon sa Meteorological Agency, ang nakapapasong init ay tumama sa western at eastern Japan nitong Miyerkules.

Sa Kanto-Koshin at Tokai regions, umabot ng 39.7 degrees ang temperatura sa lungsod ng Sano sa prepektura ng Tochigi, 39.2 degrees naman sa lungsod ng Koshigaya sa prepektura ng Saitama, 39 degrees sa Tatebayashi ng Gunma Prefecture, 38.9 degrees sa lungsod ng Kuwana sa prepektura ng Mie, 38.8 degrees sa lungsod ng Kawane-honcho sa Shizuoka Prefecture at 38.5 degrees sa lungsod ng Ome sa Tokyo.

Ang mercury ay tumama sa mahigit 35 degrees sa 201 observation points sa buong bansa. Umabot ito ng 37.5 degrees sa mga lungsod ng Nagoya at Kyoto, 36.9 sa lungsod ng Takamatsu, 36.2 degrees sa lungsod ng Fukuoka, at 36.1 degrees sa central Tokyo.

Ayon sa ahensiya, ang daytime highs sa central Tokyo ay tumaas na ng 35 degrees o mas mataas pa sa loob ng 13 araw, tulad nuong nakaraang tala.

Ipinahayag ng weather officials na magiging maulap o maulan sa Huwebes sa maraming parte eastern Japan, na may daytime high sa central Tokyo na bababa ng 29 degrees.

Ngunit isang heatwave forecast ang ibinaba sa maraming parte ng western Japan.

Ang daytime highs ay inaasahang tumama sa 36 degrees sa lungsod ng Miyakonojo sa prepektura ng Miyazaki, at 35 degrees sa lungsod ng Fukuoka sa Fukuoka Prefecture at lungsod ng Takamatsu sa Kanagawa Prefecture.

Nag-baba na ng issue ng heatstroke alert sa maraming parte ng western Japan, higit sa lahat sa parte ng Kyushu region

Hinihikayat ng mga opisyal ang mga tao na gumawa ng hakbang laban sa heatstroke, tulad nang laging manatiling hydrated at tamang pag-gamit ng air conditioner kapag nasa loob ng tahanan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund