Share
TOKYO — Nagbabala ang Japan Meteorological Agency (JMA) sa malakas na ulan sa pinakahilagang prefecture ng Japan na Hokkaido, ang rehiyon ng Tohoku sa hilagang-silangan ng Japan at ang rehiyon ng Hokuriku sa bahagi ng sea of Japan hanggang Agosto 16, at nananawagan sa mga tao na maging maingat laban sa pagguho ng lupa at pagbaha sa mga mabababang lugar at ilog.
Ayon sa JMA, inaasahan ang masamang panahon bilang resulta ng papalapit na low-pressure system at weather front. Ang ahensya ay nagtataya ng hanggang 100 millimeters ng ulan sa mga rehiyon ng Tohoku at Hokuriku sa loob ng 24 na oras na magtatapos sa 6 p.m.
Join the Conversation