Mahigit 7,200 katao ang na-heatstroke nuong nakaraang linggo sa Japan

Ang mainit na panahon ay mararanasan hanggang sa susunod na linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMahigit 7,200 katao ang na-heatstroke nuong nakaraang linggo sa Japan

Mahigit 7,200 katao ang dinala sa ospital sa buong bansa sanhi ng heatstroke nuong nakaraang linggo, dahil sa patuloy na sobrang init ng panahon.

Ang Fire and Disaster Management Agency ay nag-sabi na 7,218 katao ang dinala sa ospital hanggang ika-7 ng Agosto. Ito ay nag-taas ng 102 kumpara nuong nakaraang linggo.

Ang ahensya ay nag report ng limang kamatayan. Idinagdag pa nito na 2,569 kataong na ospital ay nakaramdam ng malubha o moderate na sintomas.

Mahigit kalahati sa mga nasabing pasyente ay nag-eedad ng 65 anyos pataas.

Mahigit 40 porsyento ng mga kaso ay nakaramdam umano ng sintomas sa kanilang tahanan, at 17 porsyento naman ang nasa kalsada o lansangan. Ang isa pang 17 porsyento naman ay sa kani-kanilang trabahuhan, tulad ng factory o farms.

Inaasahan ng mga weather officials na tumaas ng 35 degrees Celsius ang temperatura sa marami pang lugar sa western at eastern Japan ngayong Miyerkules. Ang mainit na panahon ay mararanasan hanggang sa susunod na linggo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund