Lalaki, arestado dahil sa pagsuntok sa babae sa loob ng train dahil ‘wala siyang suot na face mask’

Inaresto ng pulisya sa Fukuoka ang isang 41-anyos na lalaking walang trabaho dahil sinuntok niya ang isang 82-anyos na babae na kasabay sa train sa JR Kagoshima Main Line noong Linggo, dahil hindi ito nakasuot ng face mask. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

FUKUOKA

Inaresto ng pulisya sa Fukuoka ang isang 41-anyos na lalaking walang trabaho dahil sinuntok niya ang isang 82-anyos na babae na kasabay sa train sa JR Kagoshima Main Line noong Linggo, dahil hindi ito nakasuot ng face mask.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga habang papalapit ang train sa Takeshita Station sa Hakata Ward ng Fukuoka City, iniulat ng Kyodo News.  Sinabi ng pulisya na si Daichi Nakamura, isang residente ng Kadoma City ng Osaka Prefecture, ay umamin sa kaso

Si Nakamura na nagsasabing siya ay “nagalit na ang babae ay hindi nakasuot ng face mask” at pagkatapos ay pinagsisigawan at hinampas ang likod ng ulo.  Sinabi ng pulisya na ang babae, na naglalakbay mula sa Tosu City, Saga Prefecture, ay hindi malubhang nasugatan.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund