Japanese weather officials, hinihikayat na mag-ingat ang mga tao sa malakas na ulan at posibleng pag-guho ng mga lupa

Ang unstable na kondisyon ay inaasahang mag-patuloy hanggang Linggo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapanese weather officials, hinihikayat na mag-ingat ang mga tao sa malakas na ulan at posibleng pag-guho ng mga lupa

Unstable ang kondisyon ng atmosphere sa maraming bahagi ng eastern at western Japan, na siyang nag-dadala ng localized downpours o pag-ulan sa southern Kyushu.

Hinihikayat ng mga weather officials na mag-ingat ang lahat laban sa pag-guho ng mga lupa, pqg-babaha sa mga mababang lugar at pag-taas ng mga ilog. Maaari rin makaranas ng mga pag-kulog at kidlat pati na rin ang ipo-ipo o buhawi.

Ang unstable na kondisyon sanhi ng warm at damp air flowing sa low pressure system ang dahilan ng localized rain clouds upang mag-develop mula sa rehiyon ng Kinki hanggang Kyushu.

Isang landslide alert ang in-isyu sa lugar ng Yakushima, Prepektura ng Kagoshima. Nag-tala ang datos na ang torrential rain na may mahigit 120 millimeters ang bumuhos sa southern part ng lugar sa loob ng isang oras hanggang 11:10 a.m.

Sa loob ng isang oras hanggang 9:20 a.m., 49.5 millimeters ng ulan ang na-italang bumuhos sa Ibusuki City, Kagoshima Prefecture at 48.5 millimeters naman sa lungsod ng Kagoshima.

Ang unstable na kondisyon ay inaasahang mag-patuloy hanggang Linggo. 50 millimeters pataas na pag-ulan kada oras ang naka-forecast sa Kyushu, 40 millimeters sa Hokuriku at 30 millimeters naman sa Kinki.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund