Napag-alaman ng NHK na kasama ang isang Japanese scientist sa miyembro ng international deep-sea exploration team na umabot sa lalim na 9,801 metro nuong kamakailang misyon nila. Ito ay nag-mamarka ng bagong record sa Japanese explorers of the ocean’s depths.
Kabilang sa international team ang mga scientist mula sa Tokyo University of Marine Science and Technology at Nagoya University. Ipinahayag nila na ang undersea probe ay umabot sa pinaka-malalim na bahagi ng Ogasawara Trench nuong ika-13 ng Agosto.
Ayon sa grupo, si Michibayashi Katsuyoshi, isang Japanese geologist at propesor sa Nagoya University, American undersea explorer at pilot VictorVescovo ay onboard.
Ang grupo ay nag-engaged sa deep-sea exploration malapit sa Japanese territorial waters mula nuong ika-5 ng Agosto. Gamit nila ang The Limiting Factor, isang highly-sophisticated manned submersible vessel na ginawa ng isang pribadong kompanya sa Estados Unidos.
Ang Ogasawara Trench ay pinaniniwalaang may lalim na 9,780, ngunit ang grupo ay nag-sabi na sila ay umabot pa ng 21 metro na mas malalim dito.
Ito ay nag-tala ng bagong record para sa mga Japanese deep-sea explorers, na umabot ng mahigit 250 metro na mas malalim sa 9,545 meters na nagawa ng Japanese marine physicist na si Sasaki Tadayoshi sa Chishima-Kamchatka Trench nuong 1962.
Nakakuha ng mga mananaliksik ng mga imahe ng mga bato at iba pang undersea formations na siyang susuriin nila upang maka-kuha ng maraming datos.
Ayon kay Michibayashi, ang Ogasawara Trench ay pinaniniwalaang mayroong traces ng formation ng Japanese islands at maaaring mag-bigay ng hints kung papaano nahulma ang archipelago.
Plano ng grupo na ipag-patuloy ang exploration hanggang September 19.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation