Japan, umuusad upang muling payagan ang mga indibidwal na turistang maka-pasok sa bansa

Ang bagong patakaran ay inaasahang magka-bisa sa buwang ng Septyembre.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, umuusad upang muling payagan ang mga indibidwal na turistang maka-pasok sa bansa

Sinisimulan na muling iusad ng pamahalaan ng Japan ang pag-patag na muling tumanggap ng mga dayuhang turista na hindi nais na mapa-bilang sa mga tour groups, bilang tugon sa pag-baba ng dayuhang byahero na nais bumisita sa Japan.

Ang bansa ay muling nag-bukas para sa mga dayuhang nais mag-bakasyon sa panamagitan ng pagpapa-gaan ng mga anti-coronavirus border controls. Subalit lahat pa rin ng mga dayuhan ay dapat kasali sa mga guided tours upang maka-kuha ng visa.

Ang mga turista ay dapat din sumunod sa anti-infection measures, tulad nang pag-suot ng masks na ipinapa-tupad sa ilalim ng guidelines ng pamahalaan Japan.

Ang desisyon upang mas lalo pang padaliin ang anti-coronavirus border controls ay lumabas nuong nag-tala lamang ng 7,900 na dayuhang turista ang naka-pasok sa Japan nitong buwan ng July.

Maraming tourism industry ay nag-sasabi na ang kasalukuyang restrictions ay hindi sinasang-ayunan ng mga turistang nais pumunta sa Japan dahil mas nais nilang bumyahe ng solo.

Napag-desisyonan ng pamahalaan ng Japan na payagan na maka-pasok ang mga turista kahit na hindi kasali sa mga group guided tour, kung ang kanilang pag-bisita ay isinagawa sa pamamagitan ng travel agency. Ang mga ahensyang nag-ayos ng pagbyahe ng kanilang kliente ay inaasahang mag-manage din ng kanilang schedule. Ang mga turista ay sasabihang sundin ang ilang guidelines kung sakaling makumpirma ang impeksyon.

Ngunit ang pamahalaan ay patuloy na hindi papapasukin ng bansa ang mga indibidwal na hindi dumaan sa travel agencies.

Ang bagong patakaran ay inaasahang magka-bisa sa buwang ng Septyembre.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund