Ipinahayag ng World Health Organization na ang Japan ay nai-talang mayroong pinaka-mataas na bilang ng coronavirus cases kumpara sa ibang mga bansa sa buong mundo ngayong linggo. Ang Japan ay nagkaroon ng pinaka-mataas na bilang ng mga bagong kaso sa buong mundo sa loob ng 3 sunod-sunod na linggo.
Nag-release ng weekly update ang WHO tungkol sa coronavirus nitong Miyerkules.
Sa buong mundo, kinumpirma ang mahigit 6,980,516 na bagong kaso ng impeksyon nuong linggo ng August 1 hanggang August 7, mahigut 3 porsyento kumpara nuong nakaraang linggo.
Ang Japan ay nag-ulat ng 1,496,968 na kaso, tumaas ng 9 na porsyento mula nuong nakaraang linggo. Ang lumabas na bilang sa lingguhang talaan ng Japan ay umabot ng 20 percent mula sa global total.
Ang linguhang death toll ng bansa sa parehong period ay 1,002, tumaas ng 53 porsyento mula nuong nakaraang linggo. Ang pigura ay nasa ika-apat na pinaka-mataas sa buong mundo, na sinundan naman ng US, Brazil at Italy.
Ayon sa WHO, ang aktwal na bilang ng kaso ng COVID-19 at mga kamatayan ay maaaring mas mataas pa kaysa sa mga nai-uulat na pigura dahil may mga ilang bansa na nag-iba ng kanilang testing strategies, na nagreresulta sa mababang pangkalahatang bilang ng isinagawang pag-susuri.
Idinagdag pa ng WHO na ang BA.5 Omicron descendent lineages ay patuloy na dominante sa buong mundo, dahil ito sa mahigit 70 porsyento ng mga kasong na detect sa buong mundo nuong katapusan ng nakaraang buwan.
Nai-ulat na ang BA.5 ay siyang nangunguna sa kasalukuyang pag-laganap ng impeksyon sa Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation