Ang mga mamamayan sa Japan ay taimtim na ginugunita ang isang anibersaryo ngayong Lunes.
Nuong ika-15 ng Agosto, taong 1945, isang pahayag mula kay Emperor Showa na ibi-nroadcast sa radyo, na nag-sasabing ang Japan ay sumuko na sa World War II.
Makalipas ang mahigit 8 dekada, minarkahan ng Japan ang pag-tatapos ng giyera… at nanalangin ng kapayapaan. Nagsa-gawa ng isang seremonya ang pamahalaan ng Japan sa Tokyo upang gunitain at alalanin ang mahigit 3.1 million katao na namatay dahil sa giyera.
Ang seremonya para sa taong ito ay nag-mamarka nang ika-77 taon pag-tatapos ng giyera. Bago pa man nangyari ang pandemiya nuong unang yugto ng 2020, mahigit 6,000 katao ang dumadalo sa nasabing seremonya. Ngunit ang event ay talaga namang pinababaan ang bilang ng taong dadalo dahil sa patuloy na pag-kalat ng coronavirus sa Japan.
Ngayong taon, mahigit isang libo katao ang inaasahang dadalo. Mag-bibigay ng talumpati si Punong Ministro Kishida Fumio bago mag-observe ng minute of silence bago mag-alas-dose ng tanghali. Matapos nito ay mag-bibigay din ng talumpati si Emperor Naruhito.
Habang inaalala ng Japan ang pag-tatapos ng giyera, ang bilang ng mga taong buhay pa na na-experience ang giyera firsthand ay nababawasan na. Mahigit three-quarters ng mga kamag-anakan ng mga pumanaw nuong panahon ng giyera na dadalo sa seremonya ay nag-eedad na ng 70s.
Iba’t-ibang event ang gagawin sa buong bansa nitong araw na ito, bilang pag-balik tanaw at pag-aalala sa mga nawalang buhay at pag-nilayan ang kapayapaan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation