Isang pulis na nalasing at naka-tulog sa kalsada, nawalan ng mga papeles na naglalaman ng mga importanteng impormasyon

Ang mga Japanese police officers ay hindi pinahihintulutan na mag-dala ng mga investigative materials sa labas ng opisina ng walang pahintulot.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Isang imbestigador sa Prepektura ng Hyogo ang nawalan ng mga dokumentong nag-lalaman ng mga pangalan ng crime suspect at mahigit 400 pang pangalan ng mga taong kasangkot sa kasong kanyang hinahawakan matapos itong malasing at maka-tulog sa kalsada, ani ng mga pulis.

Ang imbestigador ay nag-simulang makipag-inuman kasama ang dalawang katrabaho sa isang Japanese-style izakaya bar bandang alas-8:30 ng gabi nuong Biyernes sa Nishinomiya, siya ay naka-inom ng 7 serbesa kabilang ang beer at shochu, siyavay naka-tulog sa kalsada habang nag-lalakad pauwi matapos ihatid sa istasyon ng tren ang mga kasamahan bandang alas-11:00 ng gabi, pahayag ng mga pulis.

Ayon sa pahayag ng mga pulis, ang dokumento ay nag-lalaman ng personal information tulad ng kapanganakan ng suspek, address ng tirahan at trabahuhan, ngunit sa kasalukuyan ang mga nasabing impormasyon ay hindi pa naman nagagamit ng kung sino man.

Ang mga Japanese police officers ay hindi pinahihintulutan na mag-dala ng mga investigative materials sa labas ng opisina ng walang pahintulot. Sinabi umano ng police officer sa imbestigador na dumiretso sa bar nang hindi sinasauli ang mga dokumento sa opisina.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund