Share
Noong ika-24 ng Agosto, inaresto ng Chiba Prefectural Police Matsudo Higashi Police Station ang isang Pinoy, 29 years old at walang trabahosa Lungsod ng Matsudo Chiba, sa panghahawak ng dibdib ng isang babaeng nakasalubong sa daanan.
Bandang alas-9:20 ng umaga ng araw ding iyon, siya ay inaresto dahil sa hinalang hinawakan niya ang dibdib ng isang 29-anyos na babae na nakatira sa prefecture na naglalakad sa isang city street sa Matsudo City. Ayon sa pulisya, may witness sa nangyari at na restraint siya ng isang dumaan na lalaki hanggang sa dumating ang pulis.
Umamin naman ang Pinoy sa kanyang nagawa. (Hindi iniulat ang totoong pangalan ng suspect)
Join the Conversation