Isang footage ang nagpapa-kita sa teenager na suspek sa pananaksak habang sinusundan ang mga biktima

Ayon sa pahayag ng suspek sa mga pulis, random na pag-pili lamang ang kayang ginawa sa mag-ina matapos niya itong makitang nag-lalakad sa kalsada.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ipinapa-kita mula sa kuha ng isang security camera footage na ang suspek sa isang random stabbing sa kalsada sa Tokyo ay sinusundan ang kanyang mga biktima bago isagawa ang krimen nuong Sabado ng gabi.

Isang 53 anyos na ginang at ang kanyang 19 anyos na anak na babae ay nasaksak gamit ang isang kitchen knife sa isang kalsada sa Shibuya Ward sa Tokyo. Sila ay nag-tamo ng malubhang pinsala. Isang 15 anyos na mag-aaral sa junior high school na naninirahan sa Saitama Prefecture, north ng Tokyo ang inaresto sa suspisyong attempted murder. Ang suspek ay iniharap sa prosekyutor nuong Lunes.

Pinaniniwalaan na ang ipinakita mula sa isang security camera footage na nakuha ilang minuto bago mangyari ang insidente, ay ang suspek na nag-lalakad at naka-sunod na may 2 metro lamang ang layo sa mga biktima.

Ayon sa pahayag ng mga Tokyo police, ang babae ay malamang nag-tungo sa kapitolyo sakay ng tren at nag-lakad mula Shinjuku station hanggang sa lugar kung saan nangyari ang krimen.

Ayon sa pahayag ng suspek sa mga pulis, random na pag-pili lamang ang kayang ginawa sa mag-ina matapos niya itong makitang nag-lalakad sa kalsada. Sinabi pa nito na nag-hahanap siya ng walang taong eskinita upang pumatay ng tao.

Source: NHK World Japan

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund