Goldfish scooping contest, isina-gawa sa Nara makalipas ang 3 taon

Isang ginang na nasa kanyang 50s ay naka-kuha ng 17 isda ay lalahok sa semifinals.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGoldfish scooping contest, isina-gawa sa Nara makalipas ang 3 taon

Mahigit 1,000 katao ang sinubukan ang kanilang kakayahan sa pag-huli ng goldfish sa isang event na ginanap sa Nara Prefecture sa western Japan.

Ang paligsahan ay ginanap nuong Linggo sa unang pagkakataon sa loob ng 3 taon sa lungsod ng Yamatokoriyama, isang major goldfish raising area. Ang taunang event ay ilang beses na nakansela nuong nakaraang 2 taon sanhi ng pandemiyang dala ng coronavirus.

Ang mga contestants, gamit lamang ang isang fragile na papel para ipang-salok sa pag-kuha ng kahit ilang goldfish sa loob lamang ng 3 minuto mula sa water tank na naglalaman ng mahigit 1,000 goldfish.

Isang ginang na nasa kanyang 50s ay naka-kuha ng 17 isda ay lalahok sa semifinals. Sinabi niya na lumalahok siya taon-taon bago pa magkaroon ng pandemya. Ani niya, siya ay masaya na makita ang mga kaibigan mula sa iba’t-ibang panig ng bansa, na siyang nakilala niya nuong mga nakaraang palaro.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund