Ang mga evacuation order ay inilabas para sa mga bahagi ng lungsod ng Nagahama sa Shiga Prefecture, kanlurang Japan, at para sa buong bayan ng Minamiechizen sa Fukui Prefecture dahil sa malakas na ulan.
Sinabi ng mga opisyal ng Minamiechizen na lahat ng 9,939 na residente sa 3,383 na kabahayan ay dapat lumikas dahil ang malakas na ulan ay nagdaragdag ng mga pagkakataon ng pagguho ng lupa at pagbaha..
Mahigit 4,000 residente sa Nagahama ang inutusan ding sumilong habang tumataas ang lebel ng Ilog Takatoki.
Naglabas ang mga opisyal ng lungsod ng mga evacuation order para sa 2,808 katao sa 1,196 na kabahayan sa distrito ng Yogo, 1,001 katao sa 404 na kabahayan sa distrito ng Kinomoto, at 398 katao sa 148 na kabahayan sa bahagi ng distrito ng Takatsuki noong Biyernes ng umaga.
Ang mga evacuation order sa parehong munisipalidad ay ang pangalawang pinakamataas na alerto sa 5-level na disaster warning scale ng Japan.
Join the Conversation