Inilipat na ng weather officials ng Japan ang emergency heavy rain warning sa Yamagata Prefecture. Ipinanatili nitong nasa pinaka-mataas na level-5 alert ang Niigata Prefecture. Pinapayuhan rin ang mga mamamayan na maging alerto at mag-ingat.
Kasalukuyang nakararanas ng pinaka-malakas na pag-ulan ang Niigata sa loob ng isang dekada. Maaaring nagkaroon na ng pag-babaha at pag-guho ng lupa sa nasabing lugar.
Pinalitan ng Meteorological Agency ang emergency warning sa Yamagata sa northern Japan nang warning nitong umaga ng Huwebes.
Ngunit ang mga opisyales ay hinihikayat ang mga tao na maging alerto sa posibleng pag-babaha at pagka-guho ng lupa.
Ipinapakita sa isang footage na ang Mogami River sa Yamagata ay nababalot ng tubig baha at ang mga kalsada at mga kabahayang naka-paligid sa ilog.
Nananawagan ang Meteorological Agency sa mga tao na suriiin ang kanilang kapaligiran at gawin ang nararapat upang maprotektahan ang kanilang buhay. Kabilang rito ang pag-likas sa malapit na matibay na gusali, sa ikalawang palapag o mas mataas pa palapag nang isang gusali na taliwas sa isang talampas o dalisdis kung mapanganib na lumabas.
Ayon sa weather officials, maraming pag-ulan ang mararanasan sa ilang parte ng northern at central Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation