Dahil sa extreme heat wave at drought na nararanasan sa China, bumaba ang mga level ng tubig sa Yangtze River, na siyang nag-siwalat ng tatlong Buddist statues na matagal nang nalubog sa ilalim ng ilog.
Ini-ulat ng Reuters News Agency na ang mga estatwa ay natagpuan sa pinaka mataas na bahagi ng island reef na palaging nalukubog sa tubig sa southwestern city ng Chongqing.
Ani ng Reuters, ang state media ng China na Xinhua, pinaniniwalaang nasa 600 daang gulang na ang mga estatwa.
Sinabi ng isang lokal na residente, binisita niya ang mga statue, naniniwala kasi siya na muling mawawala ang mga ito kapag tumaas na ang tubig at bumalik sa dati ang ilog. Tinawag niya itong cultural properties na iniwan ng mga ninuno.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation