Ang bilang ng mga bata at mag-aaral sa Japan na nagkaroon ng coronavirus ay nag-tala ng pinaka-mataas na bilang na umabot ng 270,000 nitong buwan ng Hulyo.
Nagsasa-gawa ng survey ang Education Ministry kada buwan sa bilang ng kaso ng impeksyon sa mga kindergarten at paaralan.
Ayon sa mga opisyal ang tally nuong July ay umabot ng limang beses na mas mataas sa bilang nuong buwan ng June na umabot nang 269,000. Ito ay lumagpas nang nakaraang tala nuong buwan ng Pebrero na mahigit 251,000.
Halos 148,000 na kaso o mahigit kalahati ng total nuong July ang nai-ulat sa mga paaralang elementarya. At sinundan naman ng mahigit 65,000 sa mga Junior high schools at 49,000 sa mga Senior high schools.
Nananawagan ang mga opisyal ng ministeryo na magsa-gawa ng masusing hakbang upang maiwasan ang pag-laganap ng impeksyon hanggang sa matapos ang summer vacation. Hinihikayat rin nila ang mga opisyal sa mga paaralan na agad na tumugon sa mga bata upang maipag-patuloy ang kanilang pag-aaral.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation