OSAKA
Isang 75-anyos na lalaki na nagpapakain ng ligaw na pusa sa Osaka ang malubhang nasugatan matapos hampasin siya ng ilang beses ng martilyo sa ulo
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa isang makipot na kalsada sa Nishinari Ward bandang alas-4 ng umaga noong Linggo, iniulat ng broadcaster NTV. Sinabi ng isang witness na gumagamit ng martilyo ang biktima upang durugin ang ilang pagkain para sa pusa, nang lapitan siya ng isa pang lalaki.
Nag-away ang dalawa at pinulot ng pangalawang lalaki ang martilyo ng biktima at pinalo ng ilang beses sa ulo. Binitiwan niya ang martilyo at saka tumakas.
Tumawag ang witness na napadaan sa lugar sa 119. Dinala ang matandang lalaki sa ospital kung saan sinabi ng mga doktor noong Linggo ng hapon na nanatili siya sa malubhang kondisyon dahil sa malubhang pinsala sa ulo.
Kalaunan ay inaresto ng pulisya ang salarin, si Toshiyuki Murakami, 67, na nakatira din sa Nishinari Ward, sa hinalang tangkang pagpatay.
© Japan Today
Join the Conversation