Ilang libong piraso ng paper cranes na gawa ng mga taong humihiling ng kapayapaan ay nai-display sa Sosa City sa Prepektura ng Chiba, malapit sa Tokyo, bilang pauna sa pag-alala sa anibersaryo ng 1945 atomic bombings ng Hiroshima at Nagasaki.
Sa isang seremonya na isina-gawa nuong Lunes, mahigit 50 katao ang tahimik na nag-alay ng kani-kanilang panalangin sa harap ng estatwa na ini-alay para sa kapayapaan.
Ang taunang event ay 2 taon nang nakansela dahil sa coronavirus pandemic. Ang mga lokal na mamamayan ay nag-bigay ng donasyon nang mahigit 100,000 pirasong papercranes ngayong taon.
Isang junior high school student na si Ooki Kanon, ay nag-bigay ng isang talumpati. Itinanong niya, kung ang pakikipag-giyera ba ay nakapag-papasaya sa mga tao. Sinabi niya, naniniwala siya na makakamtan ang kapayapaan kung iniisip ng lahat ang kabuluhan at kahalagahan ng bawat isa, bago magsa-gawa ng isang aksyon.
Samantalang ang 80 anyos na partisipante na si Hashiguchi Yoshinori ay nag-bahagi na namatay ang kanyang tiyuhin sa isang suicide mission nuong panahon ng giyera. Sinabi niya na magandang matutunan ng mga kabataan ang kahulugan ng kapayapaan.
Ang mga papercranes ay makikitang naka-display hanggang ika-15 ng Agosto, ang araw na nag-mamarkang sa pag tatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga ito ay ipapadala sa Hiroshima Peace Culture Foundation at sa Nagasaki Atomic Bomb Museum.
Source: NHK World Japan
Image: Gallery
Join the Conversation