Unang float parade sa Gion Festival sa Kyoto makalipas ang tatlong taon

Isang liaison organization ng prosisyon ay nananawagan sa mga bisita na sundin ang basic anti-infection measures at maintain ang social distance.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspUnang float parade sa Gion Festival sa Kyoto makalipas ang tatlong taon

Maraming palamuting naka-disenyo sa mga floats ang pumarada sa pinaka-lumang kapitolyo ng Japan, sa Kyoto nitong Linggo at ang climax ng taunang Gion Festival. Ang parada ay isina-gawa sa kauna-unahang pagkaka-taon sa loob ng tatlong taong pagkakasela dahil sa pandemiyang dala ng coronavirus.

Ang grand procession ay nag-simula nuong umaga nang ang isang bata ay naka-suot ng isang traditional na costume ang siyang nag-lead ng float, gumamit ng espada upang putulin ang isang sacred rope na naka-tali sa gitna ng main streets ng lungsod.

Ang festival ay sinabing nang-galing o nag-mula mahigit 1,000 taon na ang naka-lilipas upang ipag-dasal ang katapusan ng isang epidemya.

Mahigit 23 floats ang makikitang pumarada sa kalsada upang paalisin o itaboy ang epidemya.

Nag-bigay pugay naman ang mga nanunuod habang dumadaan ang mga naglalakihang floats sa mga kalsada, na mayroong basang bamboo sticks na naka-latag sa ilalim ng kanilang gulong.

Ayon sa mga ulis, mahigit 140,000 katao ang naka-pila sa kalsada upang manuod ng parada.

Isang bisita mula sa Osaka na nasa kanyang 40s ay nag-sabi na siya ay nasasayahan na makita ang festival representative ng Kyoto, at ang lahat ay matagal nang nag-hihintay na ibalik ang parada.

May isa pang float parade ang naka-schedule sa susunod na Linggo.

Isang liaison organization ng prosisyon ay nananawagan sa mga bisita na sundin ang basic anti-infection measures at maintain ang social distance.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund