Ayon sa Tokyo Metropolitan Government, sila ay nag-kumpirma ng 31,593 na bagong kaso ng coronavirus infection nitong Martes.
Ito ang unang beses sa loob ng tatlong araw na ang arawang talaan sa kapitolyo ay umabot ng 30,000.
Ang pigura ay lumagpas ng mahigit 20,000 kumpara nuong nakaraang linggo. Ang biglaang pag-taas ay maaaring sanhi ng kaunting level ng pag-susuri nuong tatlong araw na weekend kabilang ang araw ng Lunes nuong nakaraang linggo.
Ang pitong araw na normal na bilang hanggang Martes ay umabot ng 28,866.3. Ito ay tumaas ng 78.8 porsyento mula nuong pang nakaraang linggo.
Nag-tala naman ng limang bilang ng pag-panaw sanhi ng impeksyon ang mga opisyales ng Tokyo.
Idinagdag rin nila na ang bilang ng may malubhang kaso ng pasyente na kasalukuyang naka-ventilators o ECMO heart-lung machine ay nasa 21, bahagyang tumaas ng 6 mula nuong araw ng Lunes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation