Teacher arestado sa pagbato ng volleyball sa mukha ng babaeng player

Inaresto ng mga pulis sa Matsudo, Chiba Prefecture, ang isang 50-anyos na guro ng high school dahil sa hinalang assault matapos niyang paulit-ulit na binato ng volleyball ang mukha ng isang babaeng manlalaro. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

CHIBA

Inaresto ng mga pulis sa Matsudo, Chiba Prefecture, ang isang 50-anyos na guro ng high school dahil sa hinalang assault matapos niyang paulit-ulit na binato ng volleyball ang mukha ng isang babaeng manlalaro.

Si Tetsutaro Kuniyasu, isang guro sa Chiba Prefectural Matsudo High School, ay inaresto noong Martes, iniulat ng Kyodo News.  Sinabi ng pulisya na si Kuniyasu, na nakatira sa Minato Ward ng Tokyo, ay bahagyang itinanggi ang paratang.

Ayon sa pulisya, ibinato ni Kuniyasu ng bola ng volleyball sa mukha ng high school girl sa team practice sa isang university gymnasium sa Tokyo bandang 2:30 p.m.  noong Disyembre 26.

Sinabi ng ibang mga mag-aaral na paulit-ulit na inihagis ni Kuniyasu ang volleyball ng malapitan.

Naaresto na nung una si Kuniyasu dahil sa pananakit sa parehong manlalaro ng volleyball noong Hunyo 29. Ang batang babae ay naiulat na nagtamo ng mga pasa matapos itong tamaan ng bola.

Itinuring ng Prefectural Board of Education ang insidente na isang akto ng corporal punishment at nagpasyang magsagawa ng aksyong pandisiplina laban kay Kuniyasu noong Hunyo 22.

Nagdagdag ang pulisya ng pangalawang kaso laban kay Kuniyasu pagkatapos ng karagdagang imbestigasyon sa naunang insidente noong Disyembre.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund