Suspek sa pamamaril kay dating Punong Ministro Shinzo Abe, inilipat para sa psychiatric evaluation

Pag-babasehan ng mga public prosecutors ng Nara ang magiging resulta ng pag-susuri upang mapagpasyahan ang magiging sintensya ng suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSuspek sa pamamaril kay dating Punong Ministro Shinzo Abe, inilipat para sa psychiatric evaluation

Ipinadala ng mga Japanese prosecutors ang suspek na bumaril at pumatay kay dating Punong Ministro Shinzo Abe sa isang detention house sa Lungsod ng Osaka para sa isang psychiatric evaluation.

Dumating sa Osaka Detention House nitong Lunes ng umaga si Yamagami Tetsuya, isang oras matapos lisanin ang police station sa Lungsod ng Nara.

Ang 41 anyos ay inaresto nuong ika-8 ng Hulyo matapos barilin si Abe habang ito ay nag-tatalumpati sa isang kampanya sa western Japanese city.

Si Yamagami ay sasailalim sa isang testing ng psychiatric experts sa isang detention house upang malaman kung siya ba ay dapat mahatulan bilang criminally responsible sa nasabing insidente.

Ang suspek ay sasailalim sa psychiatric evaluation nang mahigit 4 na buwan hanggang Nobyembre 29. Pag-babasehan ng mga public prosecutors ng Nara ang magiging resulta ng pag-susuri upang mapagpasyahan ang magiging sintensya ng suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na si Yamagami ay mag galit sa Family Federation for World Peace and Unification, na dating kinilala na Unification Church.

Sinabi umano ng suspek sa mga pulis na ang kanyang ina ay nag-bigay ng malaking halaga bilang donasyon sa nasabing sektor kung-kaya’t sila ay nag-hirap at humantong sa pagka-sira ng kanilang pamilya.

Sinabi rin umano ni Yamagami na ang kanyang target ay ang head ng grupo, ngunit hindi nabigyan ng pagkakataon na maisagawa ito. Kung kaya’t si Abe ang kanyang tinarget dahil naniniwala siya na ang dating Punong Ministro ay malapit sa nasabing grupo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund