Pinaniniwalaan ng mga Japanese police na ang suspek na bumaril sa dating Primer Minister Shinzo Abe ay talagang pumili ng baril na highly lethal para maisagawa ang pamamaslang.
Si Abe ay natamaan at napuruhan ng tama ng baril habang siya ay nagbibigay ng talumpati sa isang pag-kampanya nuong Biyernes ng umaga sa isang lugar na malapit sa railway station sa western city ng Nara.
Ang suspek ay lumapit sa bandang likuran ni Abe at saka nagpa-putok ng dalawang beses.
Kalaunan natagpuan ng mga pulis ang isang butas sa board na naka-kabit sa taas ng campaign vehicle na naka-park mahigit 20 metro mula sa kinatatayuan ni Abe.
Pinaniniwalaan nila na ang butas ay sanhi ng pag-tama ng baril sa nasabing board.
Ang 41 anyos na suspek na si Yamagami Tetsuya ay inaresto agad sa lugar ng insidente. Si Yamagami, walang trabaho, ay isang residente ng Nara.
Ang baril na ginamit sa pamamaril ay pinaniniwalaang gawa sa pinagdikit na dalawang pipe gamit ang tape.
Ayon sa mga imbestigador, kasama ng pag-gawa ng baril na may dalawang pipe, gumawa rin siya ng baril na mayroong anim at higit pang pipes.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na ipinakikita nito na si Yamagami ay may intensyon na gumawa ng mga armas na naka-mamatay.
Sinabi umano ni Yamagami sa mga pulis ba mayroon siyang galit laban sa isang relihiyosong organisasyon at pinaniniwalaang may koneksyon rito si Abe.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation